Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec susubukan online voting

0 224

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na susubukan nilang magsagawa ng online voting para sa mga Pilipinong botante na nasa ibang bansa.

Ayon sa Comelec, nasa 600 slot ang bubuksan ng Office for Overseas Voting (OFOV) para sa test voting gamit ang Internet.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base pa sa Facebook post ng OFOV, tatanggap sila ng mga aplikasyon para sa online voting sa pamamagitan ng https://tinyurl.com/yyq8tllq hanggang sa Abril 30.

Magsasagawa umano ang Comelec ng serye ng `live test run’ sa iba’t ibang Internet voting system bilang bahagi ng pag-aaral ng komisyon hinggil sa paggamit ng Internet-based technology para sa overseas voting sa mga darating na halalan. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.