Abante Tonite Interactive

Comelec task force kinasa sa vote buying

0 221

Inilunsad nitong Miyerkules ng Commission on Elections (Comelec) ang isang task force upang magbantay para mapanagot ang mga lu­malabag sa election law partikular ang mga sangkot sa vote buying.

Itinalagang pinuno ng task force si Comelec Commissioner Al Parreño at vice chairman si Commissioner Antonio T. Kho.

Tututukan ng task force ang mga kaso ng vote buying na maaari umanong maganap sa araw ng halalan.

Magsisilbing deputy ng task force ang Phi­lippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at ang Department of the Interior and Local Government (DILG). Ka-partner din nila ang Integra­ted Bar of the Philippines (IBP).

Isang paglabag sa Omnibus Election Code ang vote buying at bukod sa gumagawa nito ay paparusahan din ang mga tatanggap ng pera pero bibigyan sila ng “immunity” kung isusumbong ang nag-alok sa kanila ng pera.

Kailangan lang uma­nong magbigay ng affidavit sa korte ang mga tumanggap nito.

Maaaring idulog sa lokal na korte o kaya sa Comelec ang mga masasangkot sa vote-buying. May parusa itong disku­walipikasyon sa pagtakbo, pagboto, o pagkakakulong na mula isa hanggang anim na taon. (Mia Billones)