Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec uulitin botohan sa 14 barangay ng Lanao

0 34

Nagdeklara ang Commission on Elections (Comelec) ng failure of elections sa 14 barangay sa Lanao del Sur kaugnay ng mga ulat ng karahasan noong Mayo 9.

Ang 14 na barangay ay mula sa mga bayan ng Binidayan, Butig at Tubaran. Nasa 8,295 ng mga apektadong botante sa mga naturang barangay.

Dahil sa failure of elections, magdaraos ng espesyal na halalan sa mga apektadong barangay sa Mayo 15 o sa anumang petsa na idedeklara ng Comelec En Banc.

Ilan sa mga naganap na karahasan noong Mayo 9 sa mga naturang barangay ay ang pananaksak sa isang pulis, pagnanakaw ng balota, at karahasan na nakasira sa ilang vote counting machine at balota. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.