Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec: Virus positive makakaboto

0 44

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na makakaboto pa rin sa May 2022 national at local elections ang mga rehistradong botanteng positibo sa COVID-19.

Sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa panukalang budget ng Comelec para sa susunod na taon, tinanong ni Zamboanga City Rep. Manuel Dalipe ang poll body kung papayagan makaboto ang positibo sa COVID sa araw ng halalan.

“Oo naman po. Puwede po silang bumoto. But gagawan po namin ng paraan na magkaroon ng parang isolation center sa bawat polling center, so ihihiwalay po natin sila just in case they will be confirmed and then doon natin sila pabobotohin doon sa isolation center,” sagot ni Comelec chairman Sheriff Abas.

Subalit nilinaw din ni Abas na kung isang election worker ang magpositibo sa COVID ay hindi ito papayagang magtrabaho sa araw ng halalan. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.