Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Commissioner’s Cup ibabalik

0 53

Ibabalik ng Philippine Basketball Association sa pam-47 edisyon ng pro league ngayong taon ang may dalawang taong wala na Commissioner’s Cup dahil sa Covid-19.

Kinumpirma Lunes ni PBA Commissioner Willie Marcial ang bagay pagkaraan ng dalawang araw na meeting ng PBA Board Governors sa Boracay nitong linggo lang.

Philippine Cup lang ang dinaos ng liga noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya, at PH at Governors’ Cups sa katatapos na 2021-22 o 46th season.

Sa nasabing pulong din, muling nahalal si TNT representative Victorico Vargas na PBA Board chairman, si Demosthenes Rosales ng Terrafirma ang vice chairman, at Atty. Raymond Zorrilla ng Phoenix Super LPG ang treasurer.

Nasa event bukod sa nasabing mga opisyal sina governors Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra San Miguel, Robert Non ng San Miguel Beer, Silliman Sy ng Blackwater, Atty. Angelico Salud ng Converge, Frederick Arejola ng NorthPort, at Atty. Mamerto Mondragon ng Rain or Shine.

Dagdag saya sa mga panatiko ng basketbol ang pagbabalik sa naturang reinforced conference. May import ding gaya ng Govs’ Cup.

Leave A Reply

Your email address will not be published.