Abante Tonite Interactive

Committee chairmanship sa Senado, ayos na — Sotto

343

Halos kumpleto na umano ang hatian ng komite sa Senado ngayong papalapit na ang pagbubukas ng 18th Congress na magsisimula ng sesyon sa Lunes, Hunyo 22.

Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto, 97.5 porsiyento ng committee chairmanship ang napunuan na at 2.5 porsiyento na lamang nito ang kailangan ayu­sin sa pagbukas ng sesyon sa Lunes.

“As I said, 97.5% done with committee chairmanship. The 2.5% we try to resolve during caucus after opening day perhaps,” sabi ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter kahapon.

Pero tiniyak ni Sotto na mareresolba naman agad ito sa pag-uusap lang at hindi na kailangan pang pagbotohan pa sa plenaryo.

“Will try to resolve not needing to vote,” ani Sotto kasabay ng pagsabing magkakaroon sila ng fellowship sa Sabado nang gabi. (Dindo Mati­ning)