Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Community pantry huwag politikahin – Palasyo

0 350

Nanawagan ang Malacañang sa mga politiko at sa oposisyon na huwag haluan ng politika ang magandang layunin ng community pantry na nagpapakita ng bayanihan sa mga Pilipino.

Kasunod ito ng pahayag ng ilang senador na ang taumbayan na umano ang kumilos dahil walang maaasahan sa gobyerno ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat sinasakyan ng mga politiko ang magandang layunin para magtulungan ang bawat Pilipino sa panahon ng matinding pagsubok.

SM food to go Banner Ad

“Itigil na muna ang politika, iyan po ang pakiusap natin. Huwag po sa panahon na nagkakaroon ng ganitong [COVID-19] surge. Bayanihan na po muna tayo, huwag bangayan,” ani Roque.

“I think this is a spontaneous movement amongst Filipinos, it’s part of our society to help another kapag mayroon talagang panahon ng pangangailangan. So I don’t see that as a condemnation of government, it simply shows the best in us during the worst of times,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.