Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Community pantry sa Davao may kasamang condom, pills

0 292

Agaw-eksena ang gimik ng community pantry sa Purok 9, Barangay 76-A sa Davao City dahil bukod sa mga pagkain ay may libre rin silang condoms at pills bukod pa sa lubricant.

Ang nasabing pagtulong ay inorganisa ng LGBT groups na ang layunin ay maiiwas ang mga kabataan lalo na sa teenage pregnancies.

Ayon kay Regie Manginsay, ng LGBT Davao City Coalition, humihingi rin sila ng suporta sa publiko para mapanatili ang community pantry kung saan isa sa kanilang adbokasiya ay mapukaw ang kamalayan ng publiko sa STD at HIV-AIDS.

Leave A Reply

Your email address will not be published.