Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Commuter group sa DOH: Ebidensya sa COVID transmission sa PUV ilantad

0 68

Sa mga lungsod na limitado ang bilang o dami ng mga pampublikong sasakyan na bumabiyahe, nanawagan ang mga komyuter sa gobyerno na dagdagan ang bilang ng puwedeng sumakay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipinong umaasa sa pampublikong transportasyon habang nakiki-usap sa Department of Health (DOH) na maglabas ng malinaw at disaggregated na datos na nagsasabing ang pampublikong transportasyon ay maaaring pagsimulan ng COVID-19.

Isiniwalat ng National Center for Commuters’ Safety and Protection (NCCSP) ang problema ng mga komyuter na marami sa kanila ay pumipila ng pagka haba-haba at nakikipag agawan sa sa pagsakay araw-araw.

“Dahil sa limitadong bilang ng mga pasaherong pwedeng sumakay sa mga pampublikong sasakyan, mas maraming komyuter ang nag-aalala sa posibilidad na mahawa sila dahil sa tagal ng paghihintay sa pila ng mga sakayan,” sabi n NCCSP Chairperson Elvira Medina.

Ayon din kay Medina, dapat ay maglabas ng datos ang Department of Health (DOH) para matukoy kung ang pampublikong transportasyon nga ba ang pinagmulan ng pagkalat ng COVID-19 dahil nagdudulot ito ng malaking pagkabahala sa mga komyuter na gusto lamang pumasok sa trabaho.

“Kailangan nila magpakita ng datos patungkol sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 na mula talaga sa pagsakay sa mga pampublikong sasakayan. Kung walang datos, tinatakot lang natin ang mga komyuter na gusto nang magtrabaho para mabuhay. Tandaan natin na ang mga komyuter ay isa sa pinakamahalagang sector na bubuhay sa ating ekonomiya,” diin ni Medina.

Dagdag pa ni Medina, kasalukuyang nadadagdagan ang mga establisymento na nagbubukas kabilang ditto ang mga empleyadong nagbabalik sa trabaho. Sila ang susi sa pagbuhay muli ng ekonomiya kaya marami ang umaasa sa mga pampublikong transportasyon.

Ngunit habang limitado pa din ang bilang ng mga pasaherong pwede sumakay sa mga pampublikong sasakyan, patuloy ang hirap ng mga komyuter na makarating sa kanilang mga trabaho.

“Pero kung dadagdagan ang bilang ng mga puwedeng sumakay, o dagdagan pa ang pampublikong transportasyon, sigurado akong susunod pa din ang publiko sa pagsusuot ng face mask at face shield para manatiling ligtas. Naniniwala akong patuloy pa din na susunod ang sektor ng pampublikong transportasyon sa mga safety protokol, kagaya ng pag disinfect ng mga sasakyan at pag lalagay ng mga foot bath sa mga sakayan,” sabi ni Medina.

Pinaalalahanan din ng NCCSP ang mga komyuter na mag-ingat at sumunod pa din sa social distancing upang hindi mahawa sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.