Abante Tonite Interactive

Compressed work week, lusot na sa Senado

420

Nakalusot na sa Senado ang panukalang kumikilala sa iba’t ibang sistema sa trabaho tulad ng flexi-time at compressed work week.

Ayon sa principal author at sponsor ng Senate Bill 1571 na si Senador Joel Villanueva, malaking tulong sa mga empleyado ang panukala dahil mas marami nang opsyon para sa mas epektibong pagtatrabaho.

Sinabi ni Villanueva na sa panahon ngayon ay nakaapekto na sa buhay ng mga empleyado ang ma­tinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Abante Hiring – IT dep

“We are grateful to our colleagues for seeing the value of this law, especially that factors such as traffic affect the quality of their lives.

With this bill recognizing alternative working arrangements, we provide more options for both employers and emplo­yees to render their work in the most efficient manner,” saad ni Villanueva. (Dang Samson-Garcia)