Abante Tonite Interactive

Compton sa sibak isyu: Itanong n’yo sa buwan

By
122

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30 pm – Columbian vs. Alaska
7 pm – SMB vs. Blackwater

Hindi apektado si Alex Compton sa mga tsimis na sibak na siya bilang head coach ng Alaska.

“The last time I checked, I’m still the coach,” nakangiting pahayag ni Compton Linggo ng gabi pagkatapos ng 85-72 loss ng Aces sa Rain or Shine sa MOA Arena.

Mas problema pa ni Compton kung paano ibangon ang team mula sa unang talo sa debut game sa PBA Philippine Cup.
Isa pa ay kung paano magagawan ng paraan na mapunan ang pagkawala ng starters niyang sina Vic Manuel, JVee Casio, Simon Enciso at Kevin Racal na pawang nasa injured list.

“We just have some work to do,” dagdag ni Compton.

Ilang linggong nawala ang coach matapos magsimula ang season, ang assistant niyang si Jeff Cariaso ang namahala sa ensayo at tuneups ng team kaya lumutang ang tsismis na exit na siya.

Kung papalitan na siya, alam niyang si Alaska owner Fred Uytengsu ang magsasabi sa kanya. Kinailangan daw ni Compton na ayusin ang ilang personal na bagay sa US, at ang Alaska boss pa ang nagsabi sa kanyang unahin ang pamilya.

Isang araw bago ang season debut ng team ay dumating ng bansa si Compton.

Masusubukan si Compton at ang Aces laban sa 2-3 Columbian na umaa­ngas sa likod ni top rookie CJ Perez.
Sa kabila ng pagkawala ni Jackson Corpuz sa injury, nadoble na ng Dyip ang win total nila sa parehong torneo noong isang taon.