Abante Tonite Interactive

Compulsory military service o ROTC?

By
20

Sa harap ng mga ­kabataan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan nilang dumaan sa compulsory ROTC training upang matuto silang gumamit ng baril.

Kung may aangal sa kanyang hakbang, nagbabala si Pangulong Duterte na baka ipatupad niya sa bansa ang ­“conscription” o compulsory military ­service tulad ng ­ginagawa sa mga mamamayan ng ­Estados Unidos at ­maging sa ilang bansa sa Asya ­tulad ng South Korea at ­Singapore.

“Do you know what is conscription? You are required by the government kagaya ng Israel, Hong Kong… you are required to undergo military training. compulsory. So make a choice,” ­babala ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, kailangang matuto ng paggamit ng baril ang ­kabataan dahil kapag dumating ang panahon na magkaroon ng kaguluhan sa bansa, sila ang magtuturo sa sibilyan kung paano gamitin ang mga armas.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi siya kumporme sa ginawang pagbuwag ng ROTC noong 2002 at na pinalitan ng National Service Training Program (NSTP) dahil lamang sa pagkamatay ng isang estudyante.

“Bakit mo tanggalin yang ROTC na kapag nagkagulo tayo kayong mga ROTC ang ­magturo sa sibilyan kung paano mag-cock ng baril, ­paano mag-load sa magazine at paano mag-repair and how to fight,” paliwanag ni Duterte.

Ipinahayag pa nito na isinusulong na niya ang pagsasabatas ng ­panukala para ibalik ang ROTC sa mga mag-aaral.