Abante Tonite Interactive

Con-Ass o Con-Con

116

Hindi na isyu kung kailangang amyendahan ang Konstitusyon dahil ito’y sigurado na, bagkus ang kailangan na lamang resolbahin ay kung sa anong paraan ito isasakatuparan.

Ayon ito kay Senador Franklin Drilon, chairman ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes.

Iginiit ng senador na sa kanilang inisyal na pagdinig kamakalawa kaugnay sa panukala, lumitaw na ang consensus ay naniniwalang panahon na upang amyen­dahan ang 30-taon nang Konstitusyon kaya’t hindi na ito pokus sa gagawing mga pagdinig ng komite.

Sa halip, ang magiging sentro ng talakayan ng komite ay sa paraan na lamang ng pag-amyenda ng Konstitusyon kung constitutional convention (Con-Con) o constituent assembly (Con-Ass).