Abante Tonite Interactive

Conan, extra-challenge ang Nchan language

167

MALAPIT nang mapanood ang foreign actor na si Conan Stevens sa Encantadia.

Si Conan na gumanap bilang Gregor ‘The Mountain’ Clegane sa first season ng Game of Thrones ay gaganap sa papel na Vish’ka, isang legendary warrior na mula sa mga Higantes.

Ibig sabihin ay isang giant warrior si Vish’ka, na feeling namin ay katulad ng higanteng wildling na si Wun Wun sa Game of Thrones.

In fairness ay mahalaga ang role ni Wun Wun sa GoT at itinuturing itong hero dahil sa ginawa nito sa crucial highlight ng hit HBO series.

Bongga si Stevens kung ganu’n din ang peg ng kanyang karakter.

Sabi ng Australian actor, tamang-tama ang kanyang muscular built para sa role niya sa Kapuso telefantasya.

Kamakailan ay sumabak na sa taping si Conan. Extra challenge sa kanya ang pagsasalita ng Nchan (tawag sa lengguwahe ng mga taga-Encantadia).

Ayon sa Kapuso network, lalong tumaas ang ratings ng Encantadia sa pagpasok nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez bilang mga dalagang Sang’gre.

Pahayag ng GMA, ang Encantadia ang nangungunang Kapuso program sa buong bansa at sa Urban Luzon noong Hulyo base sa huling survey ng AGB-Nielsen.

Ang sisipag ng Enca cast na mag-promote ng show sa social media. Natutuwa ang Encantadiks dahil kasali ang Kapuso stars gabi-gabi sa Twitter party.

Tuloy rin ang provincial tour ng cast. Ang cute ng pinost ni Kylie sa Instagram na keychain ng apat na brilyante ng Encantadia, na pinagawa ng fans nila sa GenSan at binigay sa kanila nina Glaiza, Gabbi at Sanya.

Mas marami pang kaabang-abang na eksenang masasaksihan sa Encantadia na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.