Abante Tonite Interactive

ConAss, hiwalay na botohan ng Kamara, Senado sa Cha-cha pinagdebatehan

By
140

Sumalang na sa debate kahapon ang reso­lusyon patungkol sa Constituent Assembly (ConAss) at hiwalay na botohan ng Senado at Kamara sa gagawing pagbabago sa Konstitusyon o Charter change (Cha-cha).

Inurirat ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas kung naaprubahan na ang House Re­solution 2056.

Tumugon naman si House committee on constitutional amendment chairman at Leyte Rep. Vicente Veloso na dumeretso na ang panukala sa House committee on rules at inihain ito sa plenaryo.

“The House is expressing its position that when Congress convene as a Consti­tuent Assembly to propose amendments to or revision of the Constitution… the Senate and the House of Representatives shall vote separately, so it is an interpretation of the Constitution,” ani Fariñas.

Ikinatwiran naman ni Veloso na ang Kamara ay hindi korte.

Iginiit ni Fariñas na maaaring ma-hostage ang Cha-cha ng 24 na senador.

Ito’y kahit na mas lamang ang bilang ng 292 kongresista. ­