Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Concepcion bida kontra Laguna

0 56

Nagbaon si Archie Concepcion ng 23 points , 5 rebounds at tig-1 assist at steal sa 20:10 job upang giyahan ang Pampanga Giant Lanterns sa pagtumba sa Laguna Krah Asia, 75-68, sa pagpapatuloy ng 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022-23 regular season game sa Orion Sports Center sa Bataan Martes ng gabi.

Sumaklolo si Jayson Apolonio ng 16 markers at umiskor ng 12 si Mitchelle Maynes para makabawi ang mga Kapampangan sa 76-65 loss sa Rizal Golden Coolers noong Hunyo 11 at umakyat sa North Division fifth spot sa 2-3 win-loss slate.

‘Di naisalba ng 20 pts. ni Darius Estrella ang Laguna na humandusay ang baraha sa pangwalo sa South Division sa 1-2. Sablay sundan ang 80-49 win kontra Makati MNL KIngPins noong Hun. 14.

Pumukol naman ng tig-12 puntos sina Jolo Mendoza at Troy Mallillin nang palamigin ng Rizal (2-2) ang Manila Stars (1-5), 66-61; at sa likod ng 16 na pinuntos ni Mark Angelo Montuano ,inungusan ng Bacoor City Strikers (1-1) ang Bataan Risers (1-1), 76-74. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.