Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Condo, duplex bagsak presyo

0 98

Bahagyang bumagsak ang presyo ng mga residential units sa bansa kung ikukumpara sa nakaraang taon dahil naging matumal ang bentahan nito.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, 0.4% ang binaba ng presyo ng mga bagong housing units nung katapusan ng Setyembre 2020 kung ikukumpara sa nakaraang taon base sa Residential Real Estate Price Index at pinakamalaki ang binagsak ng presyo ng mga bagong housing units sa NCR kung saan 12.2% ang binaba ng presyo ng mga bagong tahanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng BSP, tumaas ang presyo ng mga single detached units at mga townhouses sa NCR ngunit mas malaki ang binagsak ng presyo ng mga condominium units at duplex.

Nagmahal naman ang presyo ng mga townhouse ng 12% at tumaas ang presyo ng mga single detached units ng 7.4%. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.