Abante Tonite Interactive

Condo sa likod ng Makati Fire Station nasunog

286

Sumiklab ang apoy sa isang condominium unit na nasa likurang bahagi ng Makati Fire Station sa Ayala Avenue Extension, Barangay San Antonio, Makati City, Linggo ng hapon.

Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon nang mag-apoy ang isang unit sa Air Residences na matatagpuan sa Yakal St., Brgy. San Antonio.

Naalarma ang mga nakatira o umuukopa sa mga katabing gusali nito pero umabot lang sa first alarm ang sunog at naapula rin agad bandang alas-3:51 ng hapon ng mga bumberong rumesponde sa insidente.

Ayon kay Makati Fire Station chief Ronald Sanchez, inaalam pa ang sanhi ng apoy na sumiklab sa loob ng isang condo unit ng Air Residences at kung magkano ang pinsalang dinulot nito sa mga ari-arian.

Nabatid na maraming establisimyento sa Makati ang agad na tumawag sa bumbero dahil sa pangam­ba na lumaki ang apoy. (Vick Aquino)