Abante Tonite Interactive

Condom sa school?

By
6

Lahat tayo, sigurado ay nangangamba sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga Filipinong nahahawa sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) lalo na’t pabata nang pabata ang mga biktima.

Anong edad ba ang pinakabatang nahawa? 15-anyos daw ayon sa Department of Health (DOH) at ang pinakamaraming nahahawa ay ‘yung mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalake.

Pero sablay ang sagot dito ni Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Ubial dahil sa plano nitong mamigay daw ng condom sa mga schools. Condom sa school? Seryoso ka Secretary Ubial?

Mukhang hindi ito ang tamang sagot sa problemang ito. Anong gagawin ng mga estudyante sa condom? Ipapagamit sa kanila? Parang hindi yata magandang tingnan ­dahil parang ine-encou­rage ang mga bata na magpraktis ng pre-marital sex.

Sinong magulang ang matutuwa kung ang kanyang anak na estudyante ay uuwing may condom? Kahit lalake ang anak mo, kukulo ang dugo mo kapag may dala s’yang condom dahil ang ibig sabihin lang n’yan eh nagpapraktis na siya ng pre-marital sex.

Kung nagagalit tayo sa mga anak nating lalake na may dalang condom pag-uwi, ano na lang ang pakiramdam ng mga magulang kung ang kanilang anak na babae naman ang uuwing may dalang condom sa kanyang bag?

Related Posts

Sigurado maraming magulang ang magwawala sa galit kapag ang kanilang anak na babae eh binigyan ng condom kaya hindi ito dapat ituloy ng DOH dahil tiyak na makakaaway nila ang mga magulang.

Oo nga’t marami ngayon sa kabataan ang liberated kung tawagin pero karamihan sa mga iyan ay sa kilos lang sila liberal at nangingi­babaw pa rin sa kanila ang kanilang pagiging Pinay.

Marami pa rin, o halos lahat pa rin ng mga dalagang Pinay ay pinapangalagaan pa rin ang kanilang reputasyon at ang gusto nila ay sa kanilang mapapangasawa lang isuko ang kanilang puri. Naniniwala ako dyan!!!

Kaya isa ako sa hindi pabor na mamigay ng condom ang DOH sa mga schools dahil baka may mga batang masasapak ng kanilang mga tatay kapag may dala silang condom pag-uwi.

Napapansin ko kasi, ang gobyerno, saka lang aktibo sa kampanya laban sa HIV kapag World Aids Day. Hindi ba puwedeng gawing araw-araw ang World Aids Day para mamulat ang mga taong aktibo ang sex life?

Sabi nga ng ilang Congressmen, kasing deadly ang HIV sa drugs na nila­labanan ngayon ng admi­nistrasyon dahil parehong nakakamatay ang mga ito bukod sa gagastos nang husto dito ang gobyerno kapag napabayaan. (dpa_btaguinod@yahoo.com)