Abante Tonite Interactive

Cone aligaga pa kay Garcia

By
1,570

Sa likod ng isipan ni Tim Cone, gusto na niyang tapusin ng Ginebra ang Rain or Shine sa quarterfinals series nila ng PBA Philippine Cup.

Inari ng Gin Kings ang opener 88-80 noong Lunes sa MOA Arena, Game 2 mamaya sa Smart Araneta Coliseum.
Pero aminado si Cone na mahirap talunin ng tatlong sunod ang Elasto Painters.

Sa last game ng eliminations noong Peb. 2, dumaan sa tatlong overtime ang Gin Kings bago ipinagpag ang E-Painters 100-92.

Kapag natatluhang sunod ni Cone si Caloy Garcia, balik sa semifinals ng all-Filipino ang crowd darlings.
Walang garantiya na maisasara na ng Gins ang serye, nakauna lang.

“Beating a team like Rain or Shine three games in a row is really, really difficult,” ani Cone.

Ilan sa dahilan ang mga beterano ng Painters na sina Beau Belga, Chris Tiu at Gabe Norwood.

“Those guys are such veterans, they’ve been to the war, they know the game so well and it’s hard to fool them,” dagdag ng Ginebra mentor. “You just got to get out there and do your thing because they’re just smart.”

“Hope we go in on a zero-zero mentality on Wednesday,” dadgag ni Cone.

Sa Game 1, umiskor ng 13 o higit pa ang starter­s ni Cone sa pangunguna ng 16 ni LA Tenorio, 15 ni Joe Devance, tig-14 sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson na pinakahigante sa grupo sa ibinabang 16 rebounds at binigay na 7 assists.