Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cone ayaw kamayan si Pogoy

0 242

Si Roger Pogoy ang numero unong sakit sa ulo ng Barangay Ginebra San Miguel sa kanilang 45th PBA 2020 Philippine Cup Finals series kontra TNT.

At sa sobrang lakas ng Tropang Giga shooter, napamura si Tim Cone at ayaw pang kamayan si Pogoy dahil baka ‘mapaso’ aniya siya sa nag-iinit na kamay ng manlalaro.

“He came over to shake my hands and I said ‘I don’t want to shake your hand.’ I won’t tell you what I said. It’s a Tagalog swear word as a joke,” saad ng Gin Kings matapos ang 34-point performance ni Pogoy sa Game 4 ng serye Linggo ng gabi.

“I was afraid I’ll get burned if I touched his hand. But he was amazing. He was absolutely amazing,” aniya pa.

Sa naturang laban, dinikit ni Pogoy ang iskor sa 91-88 sa bisa ng tatlong sunod-sunod na tres, ngunit nasagot ni LA Tenorio ang ragasa ni Pogoy kaya napunta pa rin sa Ginebra ang panalo, 98-88 at 3-1 lead sa race-to-four-win series. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.