Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cone, Black aprub sa bubble

0 208

Matuloy lang ang 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021, payag sina champion coaches Tim Cone ng Barangay Ginebra San Miguel at Norman Black ng Meralco sa bubble conference uli gaano man ito kahirap.

Inamin nila Lunes sa PBA.ph na lubhang mahirap sa mental at pisikal ang kagayang pinatupad noong isang taong all-Pinoy sa Clark, pero nakahanda naman sila, at kanilang Gin Kings at Bolts na muling makipagdigmaan sa isa pang bubble.

SM food to go Banner Ad

Iginiit nitong isang araw ni PBA Commissioner Willie Marcial, na kailangang mabakunahan muna laban sa Covid-19 ang lahat ng kawani ng liga upang makabalik sa closed circuit system. Hindi rin naman niya isinantabi ang isa pang bubble. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.