Abante Tonite Interactive

Cone ‘cheerer’ ng 4 bataan sa Team ‘Pinas

By
322

Isa sa sobrang excited sa komposisyon ng final 12 ng Team Pilipinas si Ginebra coach Tim Cone.

Apat na player ni Cone ang napasama sa final roster ni coach Yeng Guiao na isasabak kontra Kazakhstan ngayong gabi sa unang sigwada ng fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa MOA Arena.

Sigurado, isa si Cone sa pinakamaingay na magtsi-cheer sa ­Nationals lalo sa kanyang players.

Miyerkoles ng gabi ay inihayag na ni Guiao ang final roster niya.

Kasama rito sina mainstay Japeth Aguilar, nagbabalik-national team na si LA Tenorio at Greg Slaughter, at si Scottie Thompson.

“Proud to have 4 players representing the Ginebra NSD spirit on the National Team,” tweet ni Cone. “Bring it, guys!!!! We’ll be cheering.”

Tatlong player din ng San Miguel Beer ang pasok sa lineup ni Guiao – ang higanteng si June Mar Fajardo at sharpshooters Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Kukumpleto sa team sina Beau Belga, Poy Erram, Gabe Norwood, Matthew Wright.

Ang matinik na point guard na si Stanley Pringle ang naturalized player ni Guiao, mina­buting isabak si Christian Standhardinger kontra Iran sa Dis. 3 sa parehong venue.