Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cone dinadaga sa Ginebra

0 248

Nakuha ng Barangay Ginebra San Miguel si Christian Standhardinger pero hindi ibig sabihin na magkakamal na ng kampeonato ang crowd darlings.

Idedepensa ng Gin Kings ang Philippine Cup crown sa PBA Season 46 na sisiklab sa susunod na buwan.

Nakuha ni Cone ang 23rd title niya overall (pinakamarami sa coaches) sa 2020 Clark bubble kung saan nag-average si Standhardinger ng 19.9 points, 12.0 rebounds at 3.8 assists para sa NorthPort.

Bago ang pandemic-shortened Season 45, huling nagkampeon sa liga ang Kings nang bawiin ang 2019 Governors Cup.

“We’re coming off championships, and yes, we’ve gotten Christian to a team that won a championship without Greg (Slaughter),” paliwanag niya pagkatapos tanggapin ang Coach of the Bubble award ng PBA Press Corps Linggo ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Yes, on paper we should be competing for a championship. But on paper and being out there on the court are two hugely different things.”

Walang Slaughter at June Mar Fajardo sa bubble, hindi Ginebra o San Miguel Beer ang naging liyamado sa tingin ng ilan. Nabaling ‘yun sa Batang Pier dahil kina Standhardinger at Sean Anthony na tinanggap din sa virtual awards proceedings ang 2019 Defensive Player honors mula sa scribes.

Marami pang kailangang gawin ang Ginebra.

“I think it’s going to be our greatest battle – battling expectations,” panapos ni Cone. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.