Abante Tonite Interactive

Cone, Gilas kayod na sa mga praktis

470

Natapos ang quarterfinals ng PBA Governors Cup nitong Miyerkoles, kinabukasan ay inumpisahan na ng Gilas Pilipinas ang pukpukang ensayo isang linggo bago balatan ang kampanya sa SEA Games men’s basketball.

Una pang dumating si Christian Standhardinger, nasa facility na ng Meralco Gym sa Pasig bago ang 10:00am practice, 12 hours lang matapos kalusin ng NorthPort ang NLEX para umabante sa semis ng season-ending conference.

Sa larong nadesisyunan tapos ng triple overtime 126-123 pabor sa Batang Pier, tumagal ng record na 61 minutes, 2 seconds sa loob si Standhardinger.

‘Di dumating sa ensayo si Road Warriors guard Kiefer Ravena na nabugbog ang siko sa Batang Pier game.

Kahit si coach Tim Cone, ‘di makapaniwala na pinakamaaga pang sisipot si Standhardinger.

“I’m like, look, and then go, ‘Are you kidding me?’ But he’s here,” aniya.

Wala rin si RR Pogoy na may back injury at ­posibleng ‘di na makalaro sa Gilas.

Nabanggit noon ni Cone na baka dalawang beses isang araw na ang ensayo ng Nationals bago ang ­unang laro sa SEAG sa Disyembre 4 laban sa ­Singapore sa MOA Arena. (VE)