Abante Tonite Interactive

Cone, Gin Kings ilag sa Beermen

436

Hangga’t maaari, iiwasan ng Ginebra na makatapat agad ang San Miguel Beer sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Nasa fourth place sa kasalukuyan ang defending champions sa 6-4, haharapin ang 3-7 Columbian Dyip sa second game mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa unahan lang ng Gins ang 6-4 ding Blackwater, sa ilalim ng TNT (9-1) at NorthPort (9-2). Karambulan ng Elite ang kumakapit sa eighth spot na Alaska (4-6) sa first game.

Sa next round, twice-to-beat ang top two kontra Nos. 8 at 7, best-of-three ang No. 3 vs. No. 6 at No. 4 vs. No. 5.

Umangat sa No. 7 ang San Miguel (4-5), puwede pang tumaas kapag tinalo ang Rain or Shine (5-5) sa Cagayan de Oro kagabi at Meralco (3-7) sa Miyerkoles.

“We respect all the teams, but ob-viously, we really don’t want to play San Miguel in a quarterfinal match,” giit ni Ginebra coach Tim Cone.

Sakaling matalo ang Elite sa Alaska at manalo ang Gins sa Dyip, aakyat sa No. 3 ang koponan ni Cone.

Matalo ng isa sa huling dalawa ang Beermen, posible silang mag-No. 6.

Alam ni Cone na hindi mahalaga sa isang powerhouse team kahit mabagal ang umpisa sa isang torneo, tulad ng SMB. Inihalimbawa ng two-time grand slam coach ang kanyang team na sumipa sa Beermen sa trono ng parehong torneo noong isang taon. (Vladi Eduarte)