Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cone, Ginebra ‘di nagpapanik

0 116

Malayo sa kalibre ng reigning champions ang umpisa ng Ginebra sa PBA Philippine Cup pero ayaw pang pindutin ni coach Tim Cone ang panic button.

Bago sinuspinde pansamantala ang all-Pinoy naglilimlim sa joint 6th-7th ang Gin Kings sa even 2-2 card kabuhol ang NLEX.

Huling sumalang ang crowd favorites noong July 30 nang itakas ang manipis na 87-85 win laban sa NorthPort sa last-second basket ni Christian Standhardinger.

“We’re not at that level now because we got all kinds of changes in our team, and we’re kind of struggling,” anang winningest coach ng liga.

Bagong dating si Standhardinger mula Batang Pier kapalit ni Greg Slaughter.

Injured sina Aljon Mariano at Art Dela Cruz, ginagamay pa rin nina rookies Brian Enriquez at Ken Holmqvist ang sistema ng Gins.

Noong nakaraang taon sa Clark bubble, laban lang din ang Ginebra tulad ng kanilang mantra na Never Say Die. Hindi sumuko hanggang sikwatin ang all-Filipino crown – una ni Cone sa Gins, at una ng prangkisa sa import-less tournament sapul noong 2007. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.