Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cone, Ginebra iisip ng bagong diskarte

0 54

Semis Game 3 Linggo: (AUF gym)
4:00pm – TNT vs. Phoenix (series tied 1-1)
6:30pm – Ginebra vs. Meralco (series tied 1-1)

Smart Clark Giga City – Nagkatotoo ang pinangingilagan ni Ginebra coach Tim Cone.

Maganda ang gising ng mga karaniwang kamador ni coach Norman Black, at tinakbuhan ng Meralco ang Gin Kings 95-77 Biyernes ng gabi para itabla ang PBA Philippine Cup semifinals sa 1-1.

Balik ng Smart 5G-powered AUF gym ang magkatunggali para sa Game 3 Linggo.

Hindi inasahan ng Ginebra ang power surge ng Meralco sa third quarter. Higit doble sa 11-point output ng Gins ang nilista ng Bolts at mula 50-42 deficit sa halftime ay inagaw ang trangko 65-61 papasok ng fourth.

SM food to go Banner Ad

“We just talked about the reality that we could not go down 0-2 in the series,” giit ni Black. “We made a few adjustments and the guys executed very well. We had a lot more balance in this game, a lot of guys scoring.”

Team-high na ang 16 points ni Chris Newsome – 9 sa third – para sa Bolts pero lima pa ang umayuda ng 10 pataas. May tig-14 sina Bong Quinto at Allein Maliksi, 12 kay Cliff Hodge at 11 si Raymond Almazan. May tig-11 rebounds sina Almazan at Hodge.

Naka-2 points lang sa first half si Baser Amer pero naglista ng 8 sa fourth nang salagin ang tangkang fightback ng Gins.

Si Cone naman ang mag-a-adjust ngayon.

May 16 si LA Tenorio sa halftime pero hindi na umiskor ang Ginebra playmaker. Napigil din si Stanley Pringle sa 9 points mula 4 of 16 shooting at bokya rin sa second half.

Hindi umubra ang 17 points, 8 rebounds ni Japeth Aguilar at 10 points, 9 rebounds 5 assists ni Scottie Thompson. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.