Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi pa tapos ang laban – Ravena

0 249

Game 5 ngayon (AUF gym)
6 pm – TNT vs. Ginebra
(Gins lead series 3-1)

May tatlong pagkakataon ang Barangay Ginebra San Miguel upang tapusin na ang TNT at kopoin ang ika-13 kampeonato para sa Gin Kings, at ika-23 naman para kay Tim Cone.

Sisimulan ng Ginebra ang misyon ngayong Miyerkoles ng alas-6:00 nang gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena Powered by Smart 5G sa pagtipa ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup best-of-seven Finals Game Five.

Patok ang may na mataas morale, may kumpiyansa at may momentum dagdag ang pagliban ng dalawang key players ng Tropang Giga na injured na sina Bobby Ray Parks Jr at Jayson Castro.

SM food to go Banner Ad

Pero batid ng Ginebra coach na hindi papamasyal sa parke ang misyong pagkopo sa pang-apat na panalo makabalik man o hindi sina Parks at Castro. Nariyan pa rin ang pride ng organisasyon upang humaba buhay sa paghatak ng Game Six sa Biyernes.

“TNT is going to come out line wounded tigers. It’s an organization with a lot of pride, so closing out this series will be incredibly difficult. We know that. We’ll need to earn it, they certainly won’t give us anything,” giit ng pro league’s winning coach.

Nasa hukay man na ang isang paa, pero wala pa sa kukote ni Bong Ravena na magwagayway ng puting watawat.

“Hindi pa naman tapos ang lahat. They still need to win one game (para magkampeon),” wika ng TNT coach. “Basta kami, we’ll just try and try to win Game Five.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.