Abante Tonite Interactive

Cone handang lunukin si Pringle

511

Mahirap lunukin kay Tim Cone na pakawalan ang mga tulad nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer patungong NorthPort.

Pamilya na ang turing niya sa tatlo, bukod kahit nakapikit ay kabisado na ng mga ito ang sistema ng Ginebra.

“It was really tough for us to part with these three guys,” bulalas ni Cone. “They were a huge part of our team chemistry.”

Abante Hiring – IT dep

Mula nang hawakan ni Cone ang ballclub noong 2015, nakatatlong kampeonato na ang Ginebra. Tatlo rito kasama sina Mercado at Cruz sa 2016 at 2017 Governors Cups, at sa 2018 Commissioner’s. Kasama sa 2017 Governors at huling Commissioner’s title si Ferrer, dumating sa Ginebra noong 2017 mula sa special draft.

Tinawag ni Cone si Mercado bilang premier backcourt stopper at bilang incredible leader sa locker room.

Si Ferrer, may shooting pero nabuburo dahil nasasapawan sa frontline rotation kina Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Joe Devance.

Sa kabilang banda, positibo si Cone na magiging perfect fit si Fil-Am guard Stanley Pringle, 32, sa backcourt ng Gin Kings.

“We really think he’ll pair well with LA (Tenorio) and Scottie (Thompson) in the backcourt, and help us spread the floor for Greg and Japeth,” paliwanag ni Cone. (Vladi Eduarte)