Abante Tonite Interactive

Cone hinay-hinay lang kay Aguilar

By
1,486

Wala si Japeth Aguilar sa dalawang laro ng PBA Commissioner’ s Cup semifinals, Sabado ng gabi ay nakabalik na.

Ipinahinga ng 6-foot-9 big man ang namamagang kaliwang paa (Achilles) na nakuha sa huling laro ng quarterfinals kontra Meralco.

Hindi pa gaanong bumabalik ang da­ting porma ng National player, pero kuntento na siyang nakapaglaro sa 75-72 win ng Ginebra kontra Rain or Shine, Sabado ng gabi sa MOA Arena.

Lamang ang Ginebra sa best-of-five ­series, 2-1, puwede nang tapusin sa Game 4 mamaya sa Smart Araneta Coliseum.
Limitado pa ang binigay na minuto ni coach Tim Cone kay Aguilar, tumagal lang ng higit 12 minutes sa loob, naipasok ang nag-iisang tira at may two rebounds, one assist at one block.

“At least, na-gauge ko siya (injury). Kasi iba ‘yung intensity sa game,” lahad ni Aguilar.

Biyernes lang siya sumama sa drills, hindi pa tinodo ang praktis.

“Hindi pa ako nag-intense movement sa practice,” aniya.

Sinusubukan pa niya kung kakayanin na ng kaliwang paa ang intensidad ng laro lalo’t playoffs. Ang left Achilles niya ang gamit pang-take off, kaya apektado ang galaw.

Hinihinay-hinay din siya ni Cone para hindi bumalik ang injury.

“He’s not yet in game shape and so we’re trying to be a little ginger with him,” wika ni Cone.