Abante Tonite Interactive

Cone humalakhak nang umalpas ang Gins sa LG

397

May ngiti lagi si coach Tim Cone kapag tinatalo niya ang isang Korean team.

Kaya natatawa ang two-time PBA grand slam coach nang hakbangan ng Ginebra ang Changwon LG 95-91 Martes nang gabi sa kanilang Asian Showdown 2 sa Smart Araneta Coliseum.

“To be honest, it’s always a delight to win against a Korean team, especially with what happened in the Asian Games,” bulalas ni Cone.

Noong Bangkok 1998 Asiad, nabigo ang Centennial team ni Cone sa Koreans.

Pero ‘di basta bumigay ang Changwon, naiwan ng 14 pero gumapang pabalik.

Isinalba ni Stanley Pringle ang Gin KIngs, nagbaon ng 3 sa final 9 seconds para ilayo ang team 93-88. Bumawi din ng tres ang Koreans bago sinelyuhan ng dalawang free throws ni LA Tenorio ang panalo ng Gins.

Tumapos si Justin Brownlee ng 27 points, may 17 si Pringle at 15 kay Tenorio.

“We knew it was going to be tough,” panapos ni Cone.

Pinamunuan ng 23 points ni dating Ginebra import Vernon Macklin ang Changwon.

Inamin ni Macklin na matindi ang lineup ng Gin Kings ngayon.

“They have two bigs now with Japeth (Aguilar) and Greg (Slaughter) so they can go with Justin in the three-spot,” ani Macklin, inihatid ang Gins sa runner-up finish noong 2013 Commissioner’s Cup.

“They have Stanley and coach Cone is pretty good as well.” (VE)