Abante Tonite Interactive

Cone ‘lalayas’ ng ‘Pinas ‘pag natalo sa SEA Games

764

Determinado si coach Tim Cone na iuwi ang gold sa 2019 SEA Games.

Ang ‘di nagawa ng two-time grand slam coach sa Asian Games kasama ng ­Centennial Team noong 1998, ­hahabulin niya ngayon sa regional biennial meet na iho-host ng bansa.

“Hopefully I’ll see you at the Games,” wika ni Cone tapos ang 100-97 win ng Ginebra ­kontra San Miguel sa PBA Governors Cup quarterfinals nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

‘Di sinayang ng Gins ang twice-to-beat, sinipa sa isang laro lang ang Beermen para pumalaot sa semifinals. Sa ikalawang pagkaka­taon kasunod noong 2017, diniskaril rin ng Ginebra ang grand slam bid ng San Miguel.
Habang break ang ­season-ending confe­rence, itutuon naman ni Cone ang atensiyon sa Gilas Pilipinas. Buo na ang final 12 na isasabak niya sa SEAG.

Kapag nasilat, magpapahiyang daw muna ang coach.

Naiwan sa final roster sina Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio, June Mar Fajardo, Chris Ross, Marcio Lassiter, RR Pogoy, Troy Rosario, Vic Manuel, ­Matthew Wright, ­Christian ­Standhardinger at Kiefer Ravena.

“Hopefully I’ll be in the winning column at the Games. You can interview me there. If not, I’ll be at the airport taking a plane out of the country,” aniya, nakangiti.

Unang sasagupain ng Nationals ang Singapore (Disyembre 4), sunod ang ­Vietnam (­Disyembre 6) at ­Myanmar (Disyembre 7), lahat sa MOA Arena. (VE)