Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cone inawat sa Tagalog

0 130

Sinagot ng PBA chief statistician ang tanong na malamang ay nasa isip ng mga Barangay Ginebra San Miguel fan.

Sa ‘Facts Break’ segment ni Fidel Mangonon III sa Abante Sportalakan, kinuwento niya Biyernes na marunong magsalita ng Tagalog ang PBA winningest coach na si Tim Cone.

Saad ni Mangonon, dinahilan ni Cone na kaya hindi lang siya naging bihasa sa pagta-Tagalog kahit napakatagal na sa Pilipinas ay dahil sa Ingles pa rin siya kinakausap ng mga Pinoy, lalo na ng sports media.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“You know why I don’t speak Tagalog? Because of people like you,” salaysay ni Mangonon sa dahil ng Gin Kings bench tactician sa kanya nang minsang makausap at usisaing hindi pa rin fluent sa naturang wika gayung dito na sa ‘Pinas nagkaedad.

Hirit ni Mangonon, nakakaintindi at marunong mag-Tagalog at madalas mag-Taglish sa mga usapan si Cone.

Sey naman ni Sportalakan host Sarah Jireh Asido, susubukan niyang ma-interview ng Tagalog si Cone kapag bumalik na sa normal. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.