Abante Tonite Interactive

Cone nabulaga ng Blackwater defense

248

Aminado si Ginebra coach Tim Cone na nabulaga din sila sa sorpresang depensang inilatag ng Blackwater Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Lumayo ng hanggang 72-51 sa third quarter ang Gin Kings, nailapit sa apat ng Elite 97-93 sa drive ni Bobby Ray Parks. Pero ‘yun na ang huling basket ng Blackwater sa final 1:28.

Umagwat ng anim ang Gins sa layup ni Justin Brownlee bago sinel­yuhan ng floater ni Art dela Cruz ang panalo 25 seconds na lang.

“They made changes in defense which I thought coach Aris (Dimaunahan) did an incredible job in throwing us different types of defense with different lineups,” bulalas ni Cone matapos sikwatin ng Ginebra ang panlimang panalo sa pitong laro.

Nakakapit ang Gins sa third spot ng PBA Governors Cup kabuhol ang Meralco. Magbabasagan ang Ginebra at Bolts sa balik ng hostilidad sa Nov. 3.

“Again that lineup of (Marqus) Blakely, CBC (Carl Bryan Cruz), and (Mac) Belo and (Bobby Ray) Parks and (KG) Canaleta, that was a very tough lineup for us to match up with,” dagdag ni Cone. “They were long, they were quick, they could all shoot. It was an very, very interesting lineup. My hat’s off to him (Dimaunahan) for being so creative.”

Kahit si Brownlee ay nahirapan, naka-17 points pero kinaila­ngan niya ng 22 tira at walo ang pumasok. Nakumpleto pa rin niya ang triple-double sa 12 rebounds at 11 assists pa. (VE)