Abante Tonite Interactive

Cone nagku-coach sa harap ng coronavirus

0 409

Locked down ang buong Luzon, kanselado rin ang PBA.

Bawal mag-ensayo sa mga gym.

Bahay lang ang lahat, kanya-kanyang paraan para magpalipas-oras.

Lahat ‘yun dahil sa coronavirus.

Si Ginebra coach Tim Cone, nasa bahay lang din.

Nagku-coach pa rin ang two-time grand slam champion – sa kanyang binatilyo.

“I work with my 14-year-old son on basketball fundamentals,” pahayag ni Cone sa PBA.ph kahapon. “We have a small shooting court here at the house.”

Nahaharap na rin daw niya ang isa pang nakahiligan bukod sa coaching – pagsusulat. At busy naman ang asawa sa pagtulong sa komunidad.

“I also dabble in some writing that I always like to do in my spare time while my wife has been spending her time donating to numerous worthy causes and helping wherever she can,” dagdag ni Cone.

Sa husay magsalita ng 22-time champion coach, sigurado mainam din siyang magsulat. At sigurado, hindi siya mawawalan ng isusulat.

Ngayon lang daw niya naranasan ang ganitong pagtigil ng ikot ng mundo.

“Never in my lifetime have I seen anything so disruptive to everyday life,” panapos na wika ni Cone, 62. (Vladi Eduarte)