Abante Tonite Interactive

Cone, pamilya nakatsika si Spoelstra

480

Na-meet nina Ginebra coach Tim Cone at pamilya niya si Miami Heat bench tactician Erik Spoelstra sa Chase Center, San Francisco, sa California nitong Martes (Manila time).

Sa Twitter ng asawa niyang si Cristina (@CristinaVCone), nag-post ito ng larawan nilang mag-anak kasama ang NBA coach.

Wagi ang koponan ng Heat kontra Golden State Warriors 113-101 sa pangunguna ni Jimmy Butler na may 21 points, 10 rebounds.

Caption ni Cristina sa kanyang tweet, “Great win tonight by the Miami Heat! Thankful for the tickets Congratulations coach Spo!! @manilacone”. (JAT)