Abante Tonite Interactive

Cone pinahiya ng NorthPort

343

Semis 2 Game 2 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — Ginebra vs. NorthPort

Apat na araw matapos ihatid ang Gilas Pilipinas sa gold medal ng SEA Games, natikman ni coach Tim Cone ang isa sa pinakamasagwang­ talo ng coaching career – 124-90 beating ng Ginebra mula sa NorthPort.

Nangyari ‘yun sa mismong 62nd birthday pa ng two-time grand slam coach noong Sabado.

Naunahan ang Gin Kings sa best-of-five semifinals ng Governors­ Cup, ginugol­ ang isang araw na pagitan bago ang Game 2 ngayon sa pagre-review ng tape kung ano ang nangyari.

“It’s embarrassing,”­ ani Cone nang matiyem­puhang palabas ng dugout ng Smart Araneta Coliseum.

Namamaos na ang coach, humina ang boses.

“They wanted it more than we did, and one of the worst first games I’ve been involved in. We’d better come back better. We didn’t prepare as well as we could have,” paliwanag niya.

Pinakamasagwang talo ng Ginebra nga­yong season at pagkatapos ng 132-94 loss sa San Miguel Beer sa Game 3 ng 2018 Commissioner’s Cup finals. Pero bumalikwas doon ang Gins para agawin ang titulo sa anim na laro.

“They surprised us with the zone,” paliwanag ni Cone. “We didn’t handle their zone well. They changed the defenses up. They did a really good job. They came in with a good game plan.”

May 24 points si Justin Brownlee pero 10 of 27 lang mula sa field. (VE)