Abante Tonite Interactive

Cone pokus muna sa Ginebra bago ang Gilas

334

KAY Tim Cone nanggaling, kinumpirma niyang kinakausap siya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para maging head coach ng Gilas.

Kung sakali, sa parating na Southeast Asian Games muna ang unang asignatura ni Cone para sa national team.

Iho-host ng Pilipinas ang SEAG sa November 30-December 11.

“I’ve been in conversation with SBP president Al Panlilio regarding the SEA Games head coaching position for basketball,” ani Cone. “I know that Mr. Panlilio and my boss, Alfrancis Chua, have also had discussions regarding the position.”

Pero hindi pa makasagot ang two-time grand slam coach na dati na ring naging national coach, hinawakan ang Centennial Team noong 1998 Asian Games.

“At this time, however, my total focus is on our Ginebra game vs. Alaska tomorrow to open the Governors Cup,” dagdag ni Cone. “On Monday and after talking to my family, Mr. Panlilio and I will continue our conversation regarding the appointment, at which time we will come to a resolution.”

Sa Smart Araneta Coliseum ang bakbakan ng Gin Kings at Aces sa nightcap ng double-header mamaya.

Pag-uwi pagkatapos ng 0-5 campaign ng Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA World Cup, nag-resign si Gilas coach Yeng Guiao.

Kailangang makahanap ng head coach ang SBP bago ang Sept. 30, deadline ng submission ng entry by name ng players at coaches sa lahat ng events ng SEAG kasama ang men’s basketball. (VE)