Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cone trip si Tiongson

0 56

Inamin ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone na bago pa magsimula ang 2021 PBA season ay sinubukan na nilang piratahin si Juami Tiongson sa Terrafirma Dyip.

Kaya nang makapagpakitang-gilas si Tiongson sa unang dalawang laro sa balik ng PBA ay hindi na nagulat si Cone.

“Juami didn’t surprised us. We tried to trade for him after the last bubble,” saad ng 63-anyos na mentor sa Power & Play ni Noli Eala Sabado.

SM food to go Banner Ad

“We made some overtures to Terrafirma to try to get Juami over to Ginebra and they turned us down. They wouldn’t let us have him.”

“He was kinda under the radar because Terrafirma wasn’t winning games and of course, he was playing behind CJ Perez. But with Munzon out and CJ Perez traded, Juami has become the man,” sabi pa ng winningest coach.

Ginulat kasi ni Tiongson ang ilang mga Pinoy hoop fan matapos manguna sa Dyip para talunin ang powerhouse SMC-backed team na Barangay Ginebra at San Miguel Beermen. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.