Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong barado sa inagaw P20B AFP, PNP pension fund

0 84

Sopla si Anakalusugan Representative Mike Defensor sa pasabog nito sa P20 bilyong pondo para sa pensiyon ng mga retiradong sundalo at pulis sa bansa.

” Why did this happen? Paano natin pinayagan na ang pension at gratuity fund ng ating mga pulis, ng ating mga sundalo, ng mga Coast Guard, ng mga taga-Bureau of Fire Protection, at mga jail guards ay mabawasan?” pang-uurirat ni Defensor.

Birada ni Defensor ang P20 billion ay inilipat umano sa Department of Public Works and Highways (DPWH) bagay na tinanggi ni ACT CIS Rep at House committee on appropriations chair Eric Yap.

Giit ni Yap siya ang nagtanggal sa nasabing pondo at hindi ang liderato ng Kamara.

Inilipat aniya ang pondo para tustusan ang ilang kailangan para tugunan ang COVID pandemic.

Paliwanag ni Yap siya na ang nagdedesisyon at hindi na siya kumukunsulta sa liderato ng Kamara.

“Kaya po ako kinukuwestiyon lagi, hindi ko po tinanong kay Speaker Velasco kung puwede po bang tanggalin ito. Ako po ay nagdesisyon base sa tingin ko kung ano ang nakakabuti sa sambayanan,” giit ni Yap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.