Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong duda sa DILG: P40B dagdag-pondo pambili ng boto

0 86

Nagpahayag ang isang kongresista sa hinihingi umanong dagdag na P40 bilyong pondo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa barangay development program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022.

Hinala ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat na gagamitin lamang ang hinihirit na dagdag pondo para sa nalalapit na halalan.

SM food to go Banner Ad

“Magmimistulang pambili ng boto sa mga lokal na komunidad ang nasabing malalaking halaga. Hindi natin ito dapat payagan. Napakalaking katiwalian nito na lantarang nakabuyangyang sa ating lahat,” giit ni Cullamat.

Ayon sa kongresista, wala siyang nakitang dahilan para dagdagan pa ang pondo sa programa ng NTF-ELCAC dahil ang P16 bilyon ibinigay sa kanila ngayong taon ay ginamit lamang umano sa pananakot sa mga mahirap na magsasaka at katutubo. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.