Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong Hataman, misis may virus

0 302

Kinumpirma ni Basilan Congressman Mujiv Hataman na siya at kanyang asawang si Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa pahayag ni Hataman, sinabi nito na nitong Huwebes dahil sa inakala nilang karaniwang ubo ay nagpasya silang mag-asawa na magpa-test para sa COVID-19 at pagbalik ng resulta ay positibo pala sila sa virus.

Hinihintay din umano nila ang resulta ng test sa kanilang mga anak at mga kasama sa bahay sa Basilan.

Aniya, naka-quarantine na sila ngayon.

Pangatlo na si Hataman sa mga kongresistang nagpositibo sa virus.

Una nang nagpositibo sa COVID-19 sina Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel at Sulu Rep. Samier Tan. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.