Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong Helen Tan dawit sa kurakot

0 252

Kinaladkad ni Pangulong Rodrigo Duterte si Quezon Congressman Angelina Helen Tan sa ilang maanomalyang infrastructure project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Angelina Helen Tan anomalous project in Quezon Province in newly constructed road that has not been open for public use was already broken on the onset of storm, it looks like beyond repair,” pahayag ni Duterte kasabay ng pagsasapubliko sa pangalan ng siyam na mga kongresistang aniya ay sangkot sa iregularidad sa mga government projects ng DPWH.

Si Cong Tan ay minsan na ring naging kontrobersiyal matapos ireklamo ang mister nitong si DPWH regional director Engr. Ronnel Tan ni Quezon councilor Arkie Manuel Yulde ng administratibo at kriminal dahil sa pagpapaagaw diumano ng pera sa isang party.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pulong sa Inter-agency Task Force nitong Lunes ay binasa ng Pangulo ang listahan mula sa Presidential Anti-Corruption Commission’s (PACC) na naglalaman ng pangalan ng mga House members na sangkot sa korapsyon.

Maliban kay Quezon Rep Tan ay pinangalanan din ng Pangulo na sangkot sa anomalya sina dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat, Quezon City Rep. Alfred Vargas, Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato, ACT-CIS Rep. Eric Yap, Bataan Rep. Geraldine Roman, Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal at Northern Samar Rep. Paul Daza.

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na kailangan pa ring patunayan ang mga alegasyon laban sa mga pinangalang mga kongresista, “I just want to assure everybody that ‘yung pagbasa sa pangalan ninyo is not a condemnation or an indictment that you are guilty of something. This is not… walang ebidensiya ‘to,” ayon kay Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.