Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong inarbor DOST chief kay Marcos Jr

0 105

Umapela si House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda sa susunod na administrasyon na panatilihin sa kanyang puwesto si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña at itaas ang budget para sa research and development (R&D).

Ginawa ni Salceda ang apela sa inagurasyon ng HEROES (House of Representatives Exponents of Responsive and Outstanding Engagement in Science) Award ng DOST.

Ayon kay Salceda nagawa ng DOST ang mandato nito sa kabila ng kakulangan ng budget sa ilalim ni dela Peña na kailangan ng bansa sa paglaban sa climate change, pagpapaunlad ng biosafety, commercialization ng R&D at iba pang socioeconomic factor na may kaugnayan ang siyensiya.

“He has been a great asset to the Duterte administration, and I know he will be a welcome addition to the Marcos cabinet if he is retained,” sabi pa ng solon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.