Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong-judge sa Miss U nilait

0 296

Binatikos ng mga netizen ang pagkakasama ng isang kongresista sa mga magsisilbing judge ng Miss Universe Philippines 2020.

Nabatid na kasama si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa listahan ng 10 judge na inilabas ng organizer ng Miss Universe Philippines 2020 nitong Sabado, Oktubre 24: Janine Tugonon, Ariella Arida, Jackie C. Aquino, Samuel Salonga Versoza Jr., Raymond delos Santos, Venus Navalta, Presidential Spokesperson Harry Roque, misis ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na si Arlene Magalong, at Arthur Peña.

Reaksyon ng mga netizen, pati ba naman umano beauty pageant ay pinopolitika ng kongresista.

@WazzupPilipinas: “Eric Yap?! Seriously? Way to invalidate the hard work of the candidates by inviting scum to the judging panel. Another reason we want to puke while watching this pageant.”

@KIKIniNATHAN: “Ang daming pwede gawing judge tapos sila pa? Pati miss universe pinupulitika niyo din??? Sino ba organizer netong miss u?? Pinagisipan niyo ba ng mabuti yan??? Face vomiting.”

@GeologerGordon: “Sobrang excited pa naman ako tonight kasi Miss South Africa mamayang 10pm tapos Miss U Philippines bukas ng 9AM tapos kasama sa judge si Eric Yap haha sorry pero nakakaturn-off talaga pero I’m still rooting for the girls.”

@Imajalcantara23: “I’m sorry Miss Universe Philippines my expectations from u was so high but I’m disappointed on how u chose your judges for the coronation night. Eric Yap?? Those people has no sense of credibility! They are not fit to be a judge especially in this kind of platform.”

Gaganapin ang coronation ngayong Linggo.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.