Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong kay Cusi: Palpak na, pabida pa sa langis

0 114

Hinamon ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na pasertipikahan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na mag-aamyenda sa Oil Deregulation law.

Ginawa ni Zarate ang hamon matapos na sumulat si Cusi sa Kongreso para hilingin na magpasa ng batas upang mahimay ang presyo ng ibinebentang produktong petrolyo sa mga refilling station at maamyendahan ang Oil Deregulation law.

“`Di uubra na magpabida ngayon si Sec Cusi samantalang ilang taon na ang House Bill 4711 sa Kongreso pero di naman niya itinulak at ang unbundling naman ay sa Congress din nanggaling nung malantad na walang ginagawa ang DOE para alamin kung nag-o-overprice nga ang mga oil companies,” sabi ni Zarate.

Ang sertipikasyon ng Pangulo ay magpapabilis sa pagpasa ng panukala.

Inihain ng Makabayan bloc ang HB 4711 noon pang Setyembre 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Layon ng panukala na i-regulate ang industriya ng langis sa bansa para mabigyan ng proteksyon ang publiko sa pagtataas ng presyo nito.

Inaasahang magkakaroon muli ng pagtatas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo. Ito na ang ikasiyam na sunod na pagtataas ng presyo ng mga kompanya ng langis.

Sinabi ni Zarate na ngayong taon ay nasa P18 kada litro na ang itinaas ng presyo ng diesel at halos P20 naman sa kada litro ng gasolina.

“This is too much especially since many consumers are now jobless and others are under employed,” dagdag pa ni Zarate. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.