Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong kinalkal P1 trilyon savings ng gobyerno

0 56

Dapat umanong magkaroon ng full audit sa halos P1 trilyong savings ng administrasyong Duterte mula noong 2017.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate naglalaan ang Kongreso ng pondo na magagamit ng Ehekutibo pero bigo itong gastusan ang pinaglalaanang proyekto at programa kaya nagkakaroon ng savings.

Mula noong 2017 hanggang 2020 ay hindi umano makita sa budget book ang overall savings ng gobyerno pero bigla itong sumulpot sa panukalang 2022 national budget.

Noong 2017, ang savings umano ng gobyerno ay P334 bilyon, mahigit P373 bilyon naman noong 2018, mahigit P286 noong 2019 at mahigit P200 bilyon noong nakaraang taon.

“Bakit `di agad naibigay ang special risk allowance (SRA), active hazard duty pay at iba pang benepisyo samantalang halos isang trilyon ang savings ng Duterte admin mula ng 2017?” sabi ni Zarate.

Ipinaliwanag ni Zarate na maaaring gamitin ang savings upang pondohan ang mga mapipiling programa at proyekto ng Pangulo.

“Puwede niyang ibigay ito for patronage sa mga gusto niyang bigyan, especially that election year is coming, sa halip na sa kabutihan ng ating mga health workers at ayuda sa mamamayan,” sabi pa ni Zarate.

Bukod sa pagiging transparent kung saan napupunta ang savings, sinabi ni Zarate na dapat ay maging malinaw din kung saan ginagastos ng gobyerno ang trilyong inuutang nito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.