Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong mas bet sunugin killer cop

0 108

Imbes na parusang bitay, mas dapat umanong i-cremate o sunugin nang buhay ang pulis na si Jonel Nuezca na pumatay ng mag-ina sa Tarlac, ayon kay Davao del Norte. Rep. Pantaleon Alvarez.

Aniya, dapat buhay din ang maging kapalit sa pagpasalang sa mag-inang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio.

“Kung ako tatanungin dapat ang parusa doon cremation, hindi bitay. Sunugin. Sunugin nang buhay,” ayon kay Alvarez, na matatandaang nagsusulong na maibalik ang death penalty sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, maging iba pang mambabatas ay nanawagan na maibalik ang parusang kamatayan kasunod ng brutal na pamamaslang ni Nuezca.

Ayon kay Senador Manny Pacquaio, “Alam kasi ng mga kriminal at mga utak kriminal na makukulong lamang sila kapag gumawa sila ng karumal-dumal na krimen. Bigyan sana ulit natin ng pagkakataon itong death penalty.”

Ganito rin ang sinusulong ni Senador Ronlad ‘Bato’ Dela Rosa, giit niya “Sino pa ang gustong pumatay ng tao kung alam niyang papatayin din siya via death penalty?”

Samatala, hiniling naman ng Intergrated Bar of the Philippines at Department of Social Welfare and Development na itigil na ang pag-bully sa menor de edad na anak ni Nuezca. Pasok pa umano ito sa paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children Act of 2004 at maaaring maparusahan. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.