Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong may hirit sa taas-presyo ng mga bilihin

0 62

Iminungkahi ng chairperson ng House committee on ways and means ang pangangailangan na palawakin ang oil at gas exploration at ang mining output upang madagdagan ang kinikita rito ng gobyerno at makatulong na malagpasan ang hamon ng mataas na presyo ng bilihin.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, bagamat mas mababa ang inflation rate na naitatala sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa ito ay may negatibong epekto pa rin ito sa mga Pilipino.

“The global inflation rate is 9.2% last quarter, while the Philippine rate is just 4.0 percent during the same period,” sabi ni Salceda.

Upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo, sinabi ni Salceda na kailangang paramihin ang produkto mula sa sektor ng agrikultura para makinabang ang mga lokal na magsasaka sa mataas na presyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang potensyal na kita umano sa lokal na agrikultura ay $112.8 bilyon kada taon pero sa aktwal ay umaabot lamang ito sa $35.6 bilyon.

Batay sa mga pagtataya, mayroong $26 trilyong hydrocarbon deposit sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas bukod pa sa $1 trilyong mineral deposit sa bansa.

Dapat din umanong matutunan ng bansa ang nangyari sa nakaraan at magtabi ng kita para matulungan ang mga industriyang ito kapag bumagsak ang presyo ng produktong petrolyo at mina.

Iminungkahi pa ni Salceda ang pagtatayo ng Natural Resource Trust Fund na magagamit sa panahon na bumagsak ang industriya na pagkukuhanan ng pondo para rito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.